Message: Return type of CI_Session_files_driver::open($save_path, $name) should either be compatible with SessionHandlerInterface::open(string $path, string $name): bool, or the #[\ReturnTypeWillChange] attribute should be used to temporarily suppress the notice
Message: Return type of CI_Session_files_driver::close() should either be compatible with SessionHandlerInterface::close(): bool, or the #[\ReturnTypeWillChange] attribute should be used to temporarily suppress the notice
Message: Return type of CI_Session_files_driver::read($session_id) should either be compatible with SessionHandlerInterface::read(string $id): string|false, or the #[\ReturnTypeWillChange] attribute should be used to temporarily suppress the notice
Message: Return type of CI_Session_files_driver::write($session_id, $session_data) should either be compatible with SessionHandlerInterface::write(string $id, string $data): bool, or the #[\ReturnTypeWillChange] attribute should be used to temporarily suppress the notice
Message: Return type of CI_Session_files_driver::destroy($session_id) should either be compatible with SessionHandlerInterface::destroy(string $id): bool, or the #[\ReturnTypeWillChange] attribute should be used to temporarily suppress the notice
Message: Return type of CI_Session_files_driver::gc($maxlifetime) should either be compatible with SessionHandlerInterface::gc(int $max_lifetime): int|false, or the #[\ReturnTypeWillChange] attribute should be used to temporarily suppress the notice
"Mabuting pamahalaan na may dakilang hangarin ang tatak ng ating gobyerno. Ang pagpapatupad na may integridad ay aming adhikain."
Ika-10 ng Hulyo, taong kasalukuyan(2023) ay ginanap at nagkaroon ng 'evaluation' o pagsusuri ang mga kawani na kumakatawan sa SGLG(Seal of Good Local Governance) sa ating munisipyo upang busisihin at suriin ang naging pagganap at pagpapatupad ng bawat sangay at tanggapang kumakatawan sa ating lokal na pamahalaan(LGU-Polomolok).
Pinangunahan ni Local Government Operations Officer(LGOO) VII- Annalyn S. Doceo ang pagsusuri at pagbusisi sa kasalukuyang pamamahala at pagganap ng bawat sangay ng ating pamahalaan. Kahalili at kaakibat ng mabuting opisyal mula sa Sarangani Province Assessment Team sina LGOO VI- Mary Grace D. Santarin, LGOO V, EnP- Jessilou Lagon- Frugalidad, CSO Rep. April Mae Domingo at LGOO II- Sheryl D. Lantingan.
Kasabayan din ng mabuting opisyal, Annalyn Doceo ang mga LGOO Sultan Kudarat Assessment Team na sina; LGOO VII- Augustus T. Tabugo, LGOO V- Alex Naethan Garcia, LGOO II- Louigie L. Elizaga, LRI Rep. Dr. Siony Brunio at Admin Aide IV- Karyn S. Dolido.
Ang Seal of Good Local Governance (SGLG) ay isang gantimpala, incentibo, karangalan at pagkilala para sa lahat ng lokal na pamahalaan(LGUs), at isang katibayan ng patuloy na pagsusumikap ng mga Lokal na Pamahalaan sa pagpapatuloy ng pag-unlad at pag-papabuti ng serbisyo sa pagpapanatili ng kasanayang, lantad(transparent) at responsableng(accountability) paggamit ng pampublikong pondo o pera ng bayan.
Isang mabuting patunay na ang pamahalaang lokal na siyang may selyo ng SGLG ay may matatag at katangi-tangi na angking pagganap sa kanyang lugar na kinasasakupan.